𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗠𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗜𝗥𝗣𝗢𝗥𝗧

CAUAYAN CITY – Mas pinaigting ang mga ipinatutupad na safety measures sa paligid ng Cauayan Airport matapos madagdagan ng isa pang airline ang nasabing paliparan.

Sa panayam ng IFM News Team kay PCapt. Eduard Caballero, Chief ng Cauayan Aviation Police Station, sinabi niyang mas dumami ang bilang ng mga pasahero sa paliparan, lalo na ngayong ginaganap ang Bambanti Festival sa lalawigan.

Ayon sa opisyal, kabilang sa mga ipinatupad nilang hakbang upang mapanatili ang seguridad ay ang regular na pagpapatrolya, pagsasagawa ng paneling, at post-to-post monitoring sa kanilang area of responsibility.


Dagdag pa ni Caballero, bukod sa mga lokal na pasahero, marami na ring mga dayuhang turista ang gumagamit ng paliparan.

Ang mga hakbang na ito ay isinagawa upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng pasahero sa Cauayan Airport.

Facebook Comments