𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦𝗖𝗢 𝗖𝗘𝗠𝗘𝗧𝗘𝗥𝗬, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵

17

Cauayan City, Isabela- Itinalaga na sa San Francisco Cemetery na matatagpuan sa barangay San Francisco ang libingan sakaling may mamamatay na suspect, probable at confirmed case sa COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, tanging sa naturang sementeryo na lamang maaaring ilibing ang sinumang mamamatay na may kaugnayan sa sakit na COVID-19.


Ayon naman sa protocol ng Department of Health (DOH) at Code Sanitation of the Philippines, kinakailangan nang mailibing ang mga bangkay ng COVID-19 related cases sa loob ng 12 oras simula sa oras ng pagkamatay.

Dagdag pa ni City Mayor Dy, tanging pamilya lamang ng namataya ang maaaring sumama sa pagpapalibing.

Facebook Comments