𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗚𝗔𝗣 𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗣-𝗣𝗥𝗢𝗩𝗘𝗗 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘

Cauayan City – Ang bayan ng San Mateo ang unang lugar sa Pilipinas na nagpasa ng ordinansa para suportahan ang Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) at GAPproved Rice.

Ang Ordinance no. 2025-917, na ipinasa noong Enero 20, 2025, ay naglalayong tulungan ang mga magsasaka at kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay-insentibo sa mga sumusunod sa PhilGAP.

Inoobliga rin nito ang mga tanggapan ng gobyerno na unahing bilhin ang PhilGAP-certified na bigas ng San Mateo, habang may insentibo rin ang mga pribadong negosyo na susuporta sa produktong ito.

Ang ordinansa ay isinulong nina Jonabel T. Collado, Jennifer G. Ramones, at Lailo Paulo R. Palomares, at inaprubahan ni Mayor Gregorio A. Pua nito lamang Enero 27, 2025.

Isa itong malaking hakbang para sa mas ligtas, de-kalidad, at sustainable na produksyon ng bigas sa San Mateo at buong bansa.

Facebook Comments