๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ž ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐——๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ก, ๐—œ๐—ก๐—”๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—›๐—”๐—›๐—”๐—ก๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

Inaasahan at pinaghahandaan na ng ilang estudyante sa Dagupan City ang nalalapit na school break sa pagsapit ng holiday season kahit pa buwan pa lamang ng Nobyembre.
Ayon sa ilang mga estudyanteng nakapanayam ng IFM Dagupan, bagamat hindi literal na holiday break ang mararanasan dahil paniguradong may mga activities at research project na iiwan sa kanila ay mainam pa rin na may pahinga umano sila lalo at magandang panahon ang Disyembre para makapagpahinga ang kanilang mga utak.
Kaliwaโ€™t kanan din ang pagpaplano ng ilan na magbakasyon kasama ang mga kaibigan at maging pagpaplano rin sa kanilang mga Christmas celebration sa loob ng mga paaralan.

Umaasa ang ilang mga estudyante na mahaba haba sana ang oras at panahon na maibibigay ng kanilang mga paaralan para sa pagsasagawa ng school break pagsapit ng holiday season nang sa gayon ay muling makapaghanda ang mga ito pagbalik sa kanilang mga paaralan. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ
Facebook Comments