𝗦𝗘𝗞𝗬𝗨 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Nakorner ng mga awtoridad ang isang sekyu na tulak ng ilegal na droga sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Alyas “Jo”, 41- anyos, residente ng Brgy. Estrella, San Mateo, Isabela.

Sa ikinasang operasyon, nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust item na isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at P1000 peso bill buy-bust money.

Maliban dito, nakumpiska rin sa kanyang kontrol at pag-iingat ang karagdagang labinlimang (15) silyadong plastic sachet na naglalaman ng parehong kontrabando, tatlong piraso ng bala ng baril, at iba pang non-drug items.

Kaagad namang dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang mga nakumpiskang ebidensya maging ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.

Facebook Comments