Saturday, March 7, 2026

‎𝗦𝗛𝗘𝗟𝗧𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗗𝗔𝗢 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡


‎Cauayan City – Nakatakdang itatag ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Cauayan ang  Sheltered Workshop  Center para sa mga Persons with Disability (PWDs).

‎Ayon kay PDAO Head Jonathan Galutera, ang nabanggit na pasilidad ang magsisilbing training providers para sa mga unemployed PWDs.

‎Bukod dito, sinabi ni PDAO head na maaari rin itong maging livelihood area sa mga araw na walang isinasagawang training.

‎Sinabi pa nito na mayroon na silang lugar para maging Sheltered Workshop Center at on-going na rin ang kanilang pakikipag-usap sa City Architect para masimulan na ang design ng pasilidad.

‎Isinasagawa na rin nila ang validation sa bawat barangay upang masiguro na accurate ang data upang malaman kung sino ang mga prayoridad na magbigyan ng naturang serbisyo.

‎Kumpiyansa naman si Ginoong Galutera na malaking tulong ito para makapag-develop ng mga skilled workers na PWDs.

‎Dagdag pa rito, mahihikayat rin nila ang mga employers sa buing lungsod na kumuha ng mga skilled workers sa kanilang opisina.

‎Ito ang naging pahayag ni PDAO Head Jonathan Galutera.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments