π—¦π—œπ—‘π—šπ—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—žπ—¨π—₯π—¬π—˜π—‘π—§π—˜, π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜π—‘π—š 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗕𝗨π—ͺ𝗔𝗑

Posible umano ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan, ayon sa isang electric provider sa lungsod ng Dagupan.

Diumano, nakakita sila ng upward trend ngunit inaasahan nilang hindi ganoon kataas.

Kamakailan, nagtaas din ng 50 centavos ang generational charge na sinisingil ng naturang electric provider noong buwan ng Mayo.

Sa kabilang banda, ilang konsyumer ang ikinabigla ng pagtaas ng kanilang mga electric bill at diumano’y nakatanggap ang electric provider ng mga complains. Pagliliwanag naman nila na ito ay dahil sa pagtaas ng konsumo ng kuryente sa nagdaang buwan.

Sa ngayon, patuloy ang kanilang paghikayat sa bawat konsyumer na magtipid sa konsumo upang hindi gaanong tumaas ang demand, na nagiging sanhi ng pagnipis ng supply ng kuryente. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments