π—¦π—§π—’π—–π—žπ—£π—œπ—Ÿπ—˜ π—‘π—š π—™π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬ 𝗙𝗒𝗒𝗗 π—£π—”π—–π—žπ—¦ π—‘π—š 𝗗𝗦π—ͺ𝗗 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ 𝟭, π— π—”π—§π—”π—§π—”π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—•π—œπ—Ÿπ—” π—‘π—š 𝗦𝗨𝗑𝗒𝗗-𝗦𝗨𝗑𝗒𝗗 𝗑𝗔 π—•π—”π—šπ—¬π—’

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development Field Office na nanatiling matatag ang suplay ng stockpile ng family food packs nito sa kabila ng sunod-sunod na pagdaan ng bagyo sa rehiyon.

Ayon kay DSWD Region 1 Regional Director Marie Angela Gopalan, tuloy-tuloy ang replenishment ng kanilang stockpile sa kanilang warehouses na pawang nasa maximum level.

Aniya, nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo at handang umalalay sa mga maaring maapektuhan ng ano pa mang sakuna.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Bong Bong Marcos na paubos na ang Quick Response Fund ng gobyerno dahil sa sunod-sunod na bagyo. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments