π—¦π—¨π—£π—˜π—₯ π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—œπ—‘π—œπ—‘π—¦π—£π—˜π—žπ—¦π—¬π—’π—‘

Nagsagawa ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa itinayong Super Health Center sa Brgy. Bolosan.

Ang inspeksyon ay layong makita kung may iregularidad dito bago pa man maging operational.

Ang mga residente ng Brgy. Bolosan, Salisay, Mangin, Tebeng, Tambac at Mamalingling ang nakatakdang mabebenepisyuhan ng center sa usaping pangkalusugan.

Libre umano ang ECG, X Ray, Ultrasound, Dental, Laboratory at Outpatient services sa SHC.

Samantala, sa buong Ilocos Region, kabuuang labing-isang SHC na ang naipatayo kung saan siyam dito sa Pangasinan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments