
Cauayan City – Pinasinayaan ang Super Health Center sa Echague, Isabela bilang hudyat ng opisyal na operasyon ng pasilidad.
Pinangunahan ni Senate Chair on Committee Health, Sen. Christopher Lawrence βBongβ Go, kasama si Mayor Francis Faustino βKikoβ Dy at Philip Salvador ang ribbon-cutting at blessing ceremony.
Layunin ng Super Health Center na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente, lalo na sa mga nasa liblib na barangay.
Mayroon itong kumpletong pasilidad tulad ng laboratory, pharmacy, birthing facilities, out-patient department, dental services, at comprehensive PhilHealth services.
Dahil dito, hindi na kailangang magtungo pa sa malalayong ospital ang mga tao para magpakonsulta o magpagamot.
Ang pasilidad sa Echague ay isa sa labindalawang itinayo sa Isabela at bahagi ng dalawampuβt walong Super Health Centers na naipatayo sa rehiyon dos.
Patuloy ang layunin ng programang ito na palawakin ang access sa serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong lugar sa buong bansa.