Sunday, November 15, 2026

β€Žπ—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—‘π—”π—‘π—”π—žπ—”π—ͺ π—‘π—š π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—•π—”π—§π—˜π—₯𝗬𝗔, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—”π—Ÿπ—œπ—–π—œπ—”, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

β€ŽALICIA, ISABELA – Nadakip ng mga pulis sa tulong ng mga residente ang isang lalaki na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng dalawang baterya ng sasakyan sa Barangay Rizal, Alicia, Isabela, nitong Nobyembre 2, 2026.
β€Ž
β€ŽKinilala ang suspek na si alyas β€œRey,” 29-anyos, residente ng Barangay San Francisco sa nasabing bayan.
β€Ž
β€ŽAyon sa paunang imbestigasyon, namataan ito ng isang saksi na bitbit ang dalawang bateryang umano’y tinangay mula sa sasakyan ng isang 67-anyos na may-ari.
β€Ž
β€ŽTinangka ng mga suspek na tumakas nang harangin ng mga residente, dahilan upang magkaroon ng maikling habulan.
β€Ž
β€ŽGayunman, nahuli si alyas β€œRey,” habang nakatakas ang dalawa pa nitong kasamahan sakay ng isang motorsiklo na may sidecar.
β€Ž
β€ŽTinatayang walong libong piso ang halaga ng mga nakuhang baterya.
β€Ž
β€ŽDinala sa Alicia Municipal Police Station ang suspek at mga ebidensya para sa kaukulang proseso at pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments