𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗧𝗼𝗹𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗼, 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗕𝗶𝗹𝗹 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗱𝗲𝗱𝗲𝗸𝗹𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 ‘𝗖𝘂𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀’; 𝗛𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗼𝗹

📸RDB, GINNO

Suportado ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino ang Senate Bill na nagdedeklara sa Pampanga bilang Culinary Capital ng Pilipinas.

Sa isang flag-raising ceremony ngayong Lunes ng umaga na ginanap sa Kapitolyo ng Pampanga, buong paghangang inilahad ni Tolentino ang kahusayan ng mga Kapampangan sa sining ng pagluluto at pati na rin sa paggawa ng mga parol.

“Iyong culinary capital, talagang deserving ang Pampanga. Masarap ang pagkain dito. Karapat-dapat silang makilala bilang Culinary Capital ng Pilipinas,” pahayag ni Tolentino, na nagbigay-diin sa pagpapahalaga sa natatanging kultura at tradisyon ng lalawigan.
Binigyang-diin pa ng senador na ang Pampanga ay hindi lamang kilala sa masasarap na pagkain kundi pati na rin sa dedikasyon at talento ng mga Kapampangan sa paggawa ng mga parol, isang simbolo ng kanilang pagka-malikhain.


📸RDB, GINNO

“Ang paggawa ng parol sa Pampanga ay isang mahusay na halimbawa ng teamwork, disiplina, at pagiging malikhain. Ang bawat detalye ng parol ay may halaga, at bawat kable, bawat ilaw, ay isang patunay ng galing ng mga Kapampangan,” dagdag ni Tolentino.

Lubos na nagpapasalamat si Vice Governor Lilia ‘Nanay’ G. Pineda kay Senator Tolentino sa patuloy nitong suporta sa Pampanga, lalo na sa panukalang batas na magtatanyag sa lalawigan bilang culinary capital ng Pilipinas.

“Ang pagkilalang ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pampanga at pagpapalakas sa turismo. Ang Culinary Capital Bill ay magbibigay sa amin ng pagkakataon na ipagmalaki ang mga likha ng Kapampangan at mas mapalago ang aming mga industriya,” pahayag ni Vice Governor Pineda.

Pahayag pa ng bise gobernadora na dahil sa suporta mula sa mga lokal na opisyal at mamamayan, inaasahan ng mga Kapampangan na magdudulot ng mas maraming oportunidad at pag-unlad ang pagkilala sa Pampanga bilang Culinary Capital.
“Makikinabang hindi lamang ang mga negosyo at industriya ng pagkain, kundi pati na rin ang kultura, sining, at kabuhayan ng bawat Kapampangan,” dagdag pa ng bise gobernador.

#newslinecentralluzon
#kasamakaikawangbida
#1031FM

https://www.facebook.com/share/p/1Da5FH14C2/

Facebook Comments