𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢; 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗔𝗦

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga ang Cauayan Component City Police Station nitong ika-17 ng Marso sa Purok 5, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela na nagresulta sa pagkakadakip ng isang tricycle driver.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dudong”, 37-anyos, isang Street Level Individual, at residente ng Purok 2, District II, subalit kasalukuyang naninirahan sa Purok 6, San Fermin, Cauayan City, habang ang kasama nitong nakatakas ay kinilala namang si alyas “Bibo”.

Naaresto sa naturang operasyon ang suspek matapos nitong bentahan ng isang (1) selyadong pakete ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.


Maliban dito, nakuha rin sa kanya ang isang (1) genuine P1,000 peso bill na ginamit bilang buy-bust money, P2,000 na boodle money, isang (1) wallet, at tatlong (3) stick ng sigarilyo.

Matapos ang pag-mamarka sa mga ebidensiya ay dinala sa himpilan ng pulisya ang mga ito kasama ang suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments