
Cauayan City – Kinilala bilang nangungunang lungsod sa dami ng turistang bumisita sa buong Region 2 ang Tuguegarao sa ginanap na Rosal Tourism Awards sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City.
Personal na tinanggap ni Supervising Tourism Operations Officer Gina Adducul ang parangal mula sa Cagayan Tourism Office (CTO), bilang pagkilala sa malaking pag-unlad ng turismo sa lungsod.
Inilunsad ang Rosal Tourism Awards upang bigyang-pugay ang iba’t ibang sektor na naging katuwang sa pagpapalago ng turismo sa Cagayan, kabilang ang mga LGU, government agencies, tour guides, vendors, academe, at iba pang organisasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang pag-usbong ng turismo sa Tuguegarao hindi lamang sa mga tourist spots kundi pati na rin sa Food Tourism, Medical Tourism, at Education Tourism, na aktibong isinusulong ng administrasyon ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que.