Nakitaan ng pagtaas ng mga bumibisitang turista sa Ilocos Norte ngayong taong 2024.
Sa inilabas na data ng Ilocos Norte Tourism, nasa higit 41 million pesos ang kita ng probinsya mula sa actual and potential bookings ngayong taon.
Tumaas ito ng 6 million pesos kung ikukumpara sa nakaraang taon na nasa higit 35 million pesos kita.
Partikular umanong bumibisita ay mga independent travelers, grupo ng mga pamilya at kaibigan na nakikitaan ang probinsya bilang isa ito sa mga dinarayong tourist destination sa norte.
Isa sa Nakatulong din umano sa pagtaas ng naitatalang turista sa probinsya ay ang suporta mula sa mga isinagawang school-organized educational tours. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments