𝗨𝗦 𝗦𝗘𝗖𝗥𝗘𝗧𝗔𝗥𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡

Cauayan City – Nagbigay ng babala si US Secretary of State Marco Rubio laban sa mga “coercive actions” ng China sa Asya sa unang araw ng panunungkulan.

Sa isang pulong kasama ang mga opisyal ng Japan, India, at Australia o kilala bilang “Quad”, ipinahayag nila ang paninindigan para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific.

Inilahad ng grupo ang suporta para sa mga prinsipyong tulad ng “rule of law,” demokrasya, at soberanya, kasabay ng pagtutol sa anumang pagbabago sa status sa rehiyon gamit ang puwersa.


Iniulat naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensya ng dalawang Chinese Coast Guard vessels sa karagatan malapit sa Zambales at Panatag Shoal.

Samantala, ang BRP Suluan ng PCG ay aktibong mino-monitor ang mga aktibidad ng Chinese vessels sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Facebook Comments