Thursday, September 10, 2026

𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝟵𝟬𝟬, 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗝𝗢𝗡𝗘𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

‎JONES, ISABELA – Nauwi sa karumal-dumal na pagpatay ang umano’y pagtatalo dahil sa P900 na utang sa Barangay Sto. Domingo, Jones, Isabela, matapos matagpuang patay ang isang lalaki habang natutulog sa duyan.

‎Kinilala ang biktima sa layas na “Jake”, residente ng Barangay San Vicente, habang ang suspek ay si alyas “Mark”.

‎Ayon sa Jones Police Station, nakipag-inuman ang biktima sa suspek at iba pa nilang kakilala noong Agosto 17.

‎Dito umano muling siningil ng suspek ang biktima sa utang na tatlong taon na umanong hindi nababayaran.

‎Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

‎Sinabi ng biktima na babayaran niya ang utang, ngunit nasambit din umano nito na isasampal niya sa mukha ng suspek ang ibabayad sa harap ng kanilang mga kasama.

‎Pagkaraan ng inuman, nagtungo ang biktima sa bahay ng isang kakilala at nakatulog sa duyan sa likuran ng bahay.

‎Nakita umano ang bitkmang duguan at wala nang buhay habang tumatakas ang suspeksuspek nang magising ang may-ari dahil sa tahol ng mga aso at ingay sa labas.

‎Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya at kalaunan ay naaresto ang suspek dahil sa kasong murder subalit pansamantalang nakalaya para sa regular filing.

‎Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa insidente.

Facebook Comments