𝟔𝟎,𝟎𝟎𝟎 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐉𝐔𝐀𝐍𝐀, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐌𝐒𝐀𝐌 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍

14
Abot sa 60,000 pesos na halaga ng marijuana ang nasamsam mula sa isang lalaki sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Lunes, Agosto 8, 2022.

Kinilala ang suspek na si Arbie Tumalian Melchor alyas “Bibbie”, 18 taong gulang, walang asawa, construction worker at residente ng Provincial Road, Pallua Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 95.8 iFM Cauayan mula sa PDEA RO 2, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang dalawang pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops and stalks na naka brick form na tumitingbang ng humigit kumulang 500 gramo.

Naaresto ang suspek sa bisa ng search warrant na isinilbi ng PDEA Cagayan Provincial Office, Tuguegarao City Police Station at CCPO.

Nahaharap si Bibbie sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nasa kustodiya na ng Tuguegarao CPS.

Facebook Comments