๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฃ๐——๐—Ÿ’๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ง ๐—๐—”๐—œ๐—Ÿ, ๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š

Cauayan City – Dalawampu’t limang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Ilagan City District Jail ang nagsimula ng kanilang pagsasanay sa Electrical Installation and Maintenance NC II sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA.

Pinangungunahan ang nasabing pagsasanay ng Isabela Provincial Training Center (IPTC) upang bigyan ng pagkakataon ang mga PDL na magkaroon ng bagong kasanayan.

Sa ginanap na Training Induction Program (TIP), hinikayat ni Senior TESD Specialist Priscilla C. Diego, na kumatawan kay IPTC Center Administrator Juliet R. Ramos, ang mga kalahok na samantalahin ang libreng pagsasanay.


Ayon sa kanya, mahalaga ang programang ito upang matulungan ang mga PDL na magkaroon ng bagong simula sa kanilang pagbabalik sa lipunan.

Layunin ng TESDA na gawing mas accessible ang iba’t ibang skills training programs para sa lahat, kabilang ang mga nasa bilangguan.

Sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay, nagkakaroon ng bagong oportunidad ang mga PDL upang makahanap ng marangal na hanapbuhay sa kanilang muling pagsasama sa komunidad.

Facebook Comments