
CAUAYAN CITY – Mayroon nang 237 sites ng Free Wi-Fi Project ang na-install sa buong lalawigan ng Isabela.
Sa datos na ibinahagi ni Mr. Dan Mark Jose,ย Planning Officer ng Free Wi-Fi Project, ilan sa mga munisipalidad na nakabitan ng naturang proyekto ay ang Naguilian, Luna, Ilagan City, Santiago, Cauayan City, San Mateo, San Guillermo, Echague, Alicia, Cabagan, Burgos, Angadanan, Reina Mercedes, Cordon, San Pablo, San Agustin, at Benito Soliven.
Mayroon ding mga libreng Wi-Fi na nailagay sa mga coastal areas ng lalawigan katulad ng Dinapigue, Maconacon, Divilacan, at Palanan habang on going naman ang installation ng naturang proyekto sa bayan ng Sta. Maria, Isabela.
Dagdag pa ni Mr. Jose, ang mga ito ay ikinabit sa mga paaralan, public hospitals, city halls, palengke, at iba pang pampublikong lugar.
Ang proyektong Free Wi-Fi For All ay pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang na naglalayong mabigyan din ng internet connection ang mga mamamayan na nasa liblib na lugar.