
Cauayan City – Pumasa sa Child Friendly Local Governance Audit (CFLGA) para sa taong 2024 ang tatlong lungsod at tatlumput dalawang munisipalidad mula sa lalawigan ng Isabela.
Ang CFLGA ay isang taunang pagsusuri na kakayahan ng bawat Local Government Units sa paglulunsad at pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan at karapatan ng isang bata.
Sa lalawigan ng Isabela, pumasa ang tatlong lungsod na kinabibilangan ng City of Ilagan, City of Cauayan, at Santiago City sa nabanggit na audit.
Maliban dito, nakapasa rin ang mga bayan na kinabibilangan ng Alicia, Angadanan, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Cordon, Delfin Albano, Dinapigue, Divilacan, Echague, Jones, Luna, Maconacon, Mallig, Naguilian, Palanan, Quezon, Quirino, Ramon, Reina Mercedes, Roxas, San Agustin, San Guillermo, San Manuel, San Mariano, San Mateo, San Pablo, Sta. Maria, Sto. Tomas, at Tumauini.
Ang mga nabanggit na pumasa sa audit ay matatanggap ang parangal na Seal of Child Friendly Local Governance.