πŸ°πŸ¬π—ž 𝗑𝗔 π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗔𝗧 π— π—šπ—” π—•π—”π—Ÿπ—” π—žπ—¨π— π—£π—œπ—¦π—žπ—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Umaabot sa apatnapung libong piso ang halaga ng shabu na nakumpiska sa Isang bente dos anyos na binata sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang suspek ay nakilalang si Ramil Mejia residente ng Brgy Pantal sa nasabing Lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas kwatro ng Madaling araw sa brgy Caranglaan na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng Tatlong sachet ng shabu na tumitimbang ng anim na gramo at nagkakahalaga ng 40,800.00 at tatlong bala ng Caliber 45.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments