𝟳𝟬 𝗔𝗑𝗬𝗒𝗦 𝗑𝗔 π—£π—”π—¦π—”π—›π—˜π—₯𝗒 π——π—˜π—”π—— 𝗒𝗑 π—§π—›π—˜ 𝗦𝗣𝗒𝗧 π—›π—”π—•π—”π—‘π—š π—¦π—¨π—šπ—”π—§π—”π—‘ 𝗑𝗔𝗠𝗔𝗑 π—”π—‘π—š 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜π—₯ π—‘π—š 𝗧π—₯π—œπ—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—•π—”π—‘π—šπ—šπ—” 𝗔𝗧 π— π—”π—žπ—”π—Ÿπ—”π——π—žπ—”π—— π—‘π—š π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗧π—₯π—”π—ž 𝗦𝗔 π—©π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—”π—¦π—œπ—¦

Dead on the spot ang pasahero ng tricycle na kinilalang si Alejandro Soriano, 70 anyos, habang sugatan naman ang driver na si Nilo Soriano matapos mabangga at makaladkad ng dalawang mixer truck sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bacag, Villasis.

Parehong direksyon umano ang tinatahak ng tatlong sasakyan ngunit nasa outer lane ang tricycle habang ang dalawang magkasunod naman na mixer truck ay nasa inner lane.

Nang bigla umanong umiwas at pumasok sa inner lane ang tricycle upang maiwasan ang isang bus. Dito na nabangga ng unang mixer truck ang tricycle dahilan para tumilapon ito at napunta sa dulong bahagi ng ikalawang mixer truck. Nakaladkad pa umano ito ng truck ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente.

Itinakbo sa pagamutan ang mga lulan ng tricycle dahil sa sugat at malubhang head, body at leg injuries na natamo habang hindi naman nasugatan ang mga driver ng truck.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments