𝟳𝟲 𝗡𝗔 𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗟𝗢𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗡𝗚𝗘𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗚𝗜𝗙𝗧

Cauayan City – Nakatanggap ang 76 na lolo at lola ng longevity cash sa lungsod ng Santiago bilang bahagi ng ikalawang batch ng mga benepisyaryo para sa taong ito.

Ang programang ito ay taunang isinasagawa upang kilalanin at suportahan ang mga nakatatanda sa lungsod.

Layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga senior citizen at iparamdam sa kanila ang pagpapahalaga ng pamayanan.

Samantala, para naman sa mga may katanungan o nais mag-aplay para sa susunod na batch ng Longevity Cash Gift, hinihikayat rin ang mga residente na magtungo sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) na matatagpuan sa City Hall Compound, Barangay San Andres.

Facebook Comments