₱3.4-M na halaga ng shabu, nasamsam ng PDEA sa Brgy. Rosario, Pasig City

Arestado ang dalawang babaeng umano ay tulak ng droga sa ikinasang joint buy- bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-NCR at Eastern District Office sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Kinilala ni PDEA Director Wilkins Villanueva ang dalawang suspek na sina Riza Daluma aka Princess, 36, isang online selling agent ng mga damit, at residente ng Brgy. Rosario, Pasig City at Laarnie Aboy aka Laarni, residente ng Brgy. Paligsahan, Quezon City.

Isinagawa ang operasyon sa Raymundo Ave. Rosario, Pasig City.


Nakumpiska sa mga ito ang may 500 grams ng hinihinalang shabu, isang unit ng cellular phone, isang sasakyan (Honda City) at ilang bundles ng boodle money.

Facebook Comments