₱5.5-B loan, i-aalok ng DA sa small at medium agripreneurs sa bansa

Mag-aalok ang Department of Agriculture (DA) ng 5.5 bilyong pisong loan sa mga small at medium agripreneurs sa bansa.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, gagamitin ang pondo para sa muling pagbuhay ng sektor ng agrikultura na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na sa porsyento ng sektor ng Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa, 1% lang dito ang nasa agriculture, forestry at fishing.


Facebook Comments