𝗔π—ͺπ—§π—’π— π—”π—§π—œπ—žπ—’π—‘π—š π—£π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—ͺπ—”π—Ÿ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—”π—’π—§ 𝗔𝗧 π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—šπ—’ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—₯π—”π—šπ—”π—§π—”π—‘π—š π—¦π—”π—žπ—’π—£ π—‘π—š π—•π—’π—Ÿπ—œπ—‘π—”π—’ 𝗧𝗨π—ͺπ—œπ—‘π—š 𝗠𝗔𝗬 π—•π—”π—šπ—¬π—’ 𝗒 π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—”π—¦ 𝗑𝗔 π—šπ—”π—Ÿπ—˜ π—ͺ𝗔π—₯π—‘π—œπ—‘π—š, π—œπ—£π—”π—£π—”π—§π—¨π—£π—”π——

Ipapatupad na sa karagatang sakop ng bayan ng Bolinao ang awtomatikong pagsususpinde sa paglaot at pagligo, tuwing isasailalim ang bayan sa Tropical Cyclone Wind Signal o kung hindi man ay mayroong itinaas na gale warning.

Sa inilabas ng Bolinao MDRRMC na Executive Order No. 50, s. 2024, Nakasaad dito ang localized suspension ng paglaot, gayundin ay kung kailan maaring pumalaot na ibabase sa advisory na ibababa ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o ng PAGASA.

Ito ay may layuning maprotektahan ang kapakanan ng mga mangingisda sa bayan.

Matatandaan, kamakailan na anim na mangingisda ang nawala sa laot sa kasagsagan ng Bagyong Enteng, kung saan ang tatlo rito naman ay narescue rin kalaunan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments