𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝟭𝟮𝟬/𝗞𝗜𝗟𝗢

Trumiple ang presyo ng kamatis sa mga palengke sa Pangasinan dahil sa kakulangan ng suplay.

Sa bayan ng Rosales at Mangaldan, sumirit sa 80-100 pesos ang kada kilo ang presyo ng kamatis.

Sa bayan ng Calasiao, pumalo sa 100-120 pesos kada kilo.

Limang piraso nito mabibili ng nasa bente pesos.

Ayon sa ilang tindera ng kamatis, tumaas ng nasa animnapung piso ang presyo ng kamatis kung ikukumpara noong nakaraang buwan na presyuhan nito.

Ang ilang mamimili, gulat din sa naging pagtaas ng presyo ng naturang produkto.

Anila, isa ang kamatis sa madalas nilang bilhin para sa kanilang mga nilulutong ulam kaya naman naramdaman din umano nila ang bahagyang pagtaas sa presyo nito ngayon.

Inaasahan na magbabalik sa normal ang presyo ng kamatis kung magkakaroon ng sapat na suplay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments