1.5 MILYONG DROGA NAKUHA SA “HULI WEEK” OPERATION NG PRO1

Umabot sa 1. 5 milyon ang nakuhang illegal na droga sa isinagawang “Huli Week” Operation ng Police Regional Office 1 nitong Semana Santa.

Nasa 223.6 na gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa 33 drug personalities mula April 18-20, 2025.

Maliban dito, 73 wanted individuals ang Naaresto ng awtoridad.

Sa kampanya kontra loose firearms, 11 katao ang nahuli habang 87 baril ang nakumpiska at 137 naman ang kusang isinuko.

Samantala, ayon sa PRO1 generally peaceful ang naging obserbasyon ng Semana Santa sa rehiyon kung saan nauna nang nagdeploy ng 4, 618 na pulis sa mga area of convergence para sa Oplan Sumvac. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments