1.7 MILYONG HINIHINALANG SHABU, NAKUHA SA DALAWANG LALAKI SA ISINAGAWANG BUY BUST SA URDANETA CITY

Kalaboso ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa pinagsanib na puwersa ng PDEA Pangasinan Provincial Office at Urdaneta City Police Station sa Poblacion, Urdaneta City, Pangasinan bandang alas tres ng hapon, kahapon.
Kinilala ang mga suspek na 40 taong gulang, residente sa lungsod ng Urdaneta at Isang 21 taong gulang, residente ng Malasiqui, Pangasinan.

Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 250 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang P1.7 milyon.

Nahulihan pa ng isang kalibre .45 pistol na may pitong bala at drug paraphernalia ang dalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Election Gun Ban ang mga suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments