$1.9 trillion COVID-19 relief package ni US President Joe Biden, pasado na sa US Congress

122

Sa botong 219-212, inaprubahan na ng House of Representative ang $1.9 trillion pandemic aid package ni US President Joe Biden.

Ang pag-apruba ng Kongreso ay isang malaking hakbang nila upang ipatupad ang unang legislative priority ng bagong administrasyon.


Kabilang sa COVID-19 relief package na ito ay ang direktang tulong para sa mga maliliit na negosyo, $1,400 direct check sa mga Amerikano na kumikita lamang ng $75,000 kada taon, pagtataas sa child tax credit, direct funding ng State at Local Governments, gayundin ang pondo para sa mga eskwelahan at vaccine distribution.

Inaasahan naman na magtatanggal ito ng probisyon sa naturang panukala na magdadagdag sa federal minimum wage matapos tumanggi ng Senate parliamentarian na isama ito sa ilalim ng procedure o mas kilala bilang “reconciliation.”

Hinihintay na lamang itong ipasa na rin ng Senado.

Facebook Comments