1 barko ng PCG, naka-standby bilang quarantine ship

38

Dumating na sa Maynila ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na gagamitin para sa pagbibiyahe ng mga medical supplies patungo sa mga probinsiya.

Ayon sa Coast Guard, magsisilbing “transport ship” ngayon ang BRP Gabriela Silang.


Isasakay sa naturang barko ang tone-toneladang medical supplies, Personal Protective Equipments (PPEs), mga gamot at magsasakay din ng mga health workers at iba pang frontliners patungo sa mga regional hospitals sa ibang panig ng bansa.

Nakahanda din ang Coast Guard na gamitin ang BRP GABRIELA SILANG bilang offshore patrol vessel na magsisilbing quarantine ship kung kinakailangan.

Ang BRP Grabriela Silang ay isang 83.6 meter na offshore patrol vessel, na gawa ng French shipbuilder na OCEA.

Enero pa dapat nasa bansa ang naturang barko pero habang nasa biyahe papuntang Pilipinas, na-divert ito sa Malta para sa repatriation ng mga Pinoy mula sa Gitnang Silangan.

Nagkakahalaga ang nasabing barko ng P5.6-Billion base sa nilagdaang kontrata ng Pilipinas at ng OCEA noong 2014.




Facebook Comments