1 brgy. sa Pateros, lockdown na!

68

Isinailalim na sa lockdown ang Barangay Poblacion sa Pateros matapos na kumpirmahin ng punong barangay na may isang kaso na ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Simula ngayong araw ay isinara na ang daanan na magmumula sa G. De Borja St. papasok sa Barangay Poblacion Block 2 at Block 3 upang maiwasan ang pagpasok ng mga hindi taga Poblacion.


Maaaring makapasok pa ang mismong mga taga Poblacion, Pateros pero hindi na sila papayagang makalabas.

Ipapatupad ito ng barangay 24/7 at ito rin ang naisip na hakbang ng barangay council upang ma-contain at hindi kumalat ang Coronavirus.

Tiniyak naman ng barangay na tutugunan ang pangangailangan sa nasasakupan tulad ng pagkain.

Facebook Comments