1 estudyanteng lalaki, arestado matapos hindi sumunod sa ipinapatupad na ECQ sa Pasay City

81

Dahil sa sobrang kakulitan, arestado ang isang lalaki matapos na sumuway sa pinapairal na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Pasay City.

Nakilala ang nadakip na si Rolando Aronbo, 18-anyos at isang estudyante.


Nabatid na ilang beses nang sinita ng mga barangay opisyal ang suspek dahil sa nakatambay ito at pagala-gala sa labas ng kanilang bahay sa may bahagi ng Road 4, Barangay 193, Pildera 2, sa Lungsod ng Pasay.

Pero, binalewala lamang ni Aronbo ang mga tanod kaya at inaresto ito saka dinala sa presinto.

Pagsapit sa Pasay City Police Station, kinapkapan ang suspek kung saan nakuha sa kaniya ang dalawang maliit na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng PHP1,000.00.

Aminado ang suspek na gumagamit siya ngg iligal na droga pero hindi daw siya nagbebenta saka iginiit naiinip na kaya tumambay sa labas ng kanilang bahay.

Facebook Comments