1 lalaki, arestado matapos magpanggap na sundalo sa Maynila

27

Kalaboso ang isang 39-anyos na lalaki matapos na magpanggap na sundalo sa Rizal Avenue kanto ng remigio street, Sta. Cruz, maynila.

Nakilala ang nadakip na si Ramil Jacosalem, residente ng Malabon Street, Sta. Cruz, maynila at isang cook sa restaurant.


Nabatid na unang nakita si Jacosalem na palakad-lakad sa Rizal Avenue kung saan naka-uniporme pa ito ng pang-sundal at may bitbit na 9mm na baril.

Nang tanungin, agad na sinabi ni Jacosalem na isa siya sa inatasan para magbantay sa naturang lugar kung saan isa din daw siya sa mga frontliners.

Agad na hinanapan ng ID ang suspek at nang walang maipakita ay dito na kinumpiska ang kaniyang baril saka siya kinapkapan kung saan nakuha sa sling bag nito ang isang .22 na kalibre na baril.

Pagsapit sa Sta. Cruz Police Station, dito na umamin ang suspek na nagpapanggap siya na sundalo para makalagpas sa mga checkpoint at para na rin daw mabilis na makakuha ng mga food packs lalo na at wala siyang pasok sa trabaho dahil na din sa umiiral na enhanced community quarantine.

Facebook Comments