1 lalaki, arestado sa pagbebenta mg iligal na droga sa Pasay City

Hindi na nakaporma pa ang isang lalaki matapos itong masakote dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Pasay City.

Nakilala ang nadakip na si manuel favila alyas boboy dem, 26-anyis at residente ng Apelo Cruz Street, Barangay 157, Zone 16.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang Intelligence Section ng Pasay City Police Station hinggil sa lantarang pagbebenta ng iligal na droga sa mismong balwarte ng suspek.


Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad kung saan naispatan nila si Favila na nakatambay sa lugar at balak pa sanang tumakbo.

Nang kapkapaan, nakuha sa suspek ang anima na sachet ng shabu na may bigay ng higit isang gramo at nagkakahalaha naman ng P7, 600.00.

Napag-alaman na si favila ay nasa drug watchlist ng barangay at pulisya pero todo tanggi pa din ito na nagbebenta siya ng iligal na droga saka iginigiit na ipinahawak lang ito sa kaniya subalit hindi naman mapangalanan kung sino.

Facebook Comments