1 pang Pinoy sa Hong Kong, gumaling sa COVID-19

76

Isa pang Pinoy sa Hong Kong ang naka-recover mula sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, nakalabas na ng ospital ang pasyente. Sa ngayon, 16 na Pilipino na lang sa nasabing bansa ang nagpapagamot sa iba’t ibang ospital bunsod ng COVID-19.


Tiniyak naman ng Konsulado na patuloy ang pag-aabot nila ng ayuda sa mga Pilipinong positibo sa sakit.

Muli rin nitong hinikayat ang Filipino community sa Hong Kong na manatili sa bahay at sumunod sa social distancing.

Facebook Comments