1 patay, 13 sugatan sa road crash sa Bataan

239

Bataan – Isa ang patay habang 13 ang napaulat na sugatan sa Mini Bus na bumangga sa isang puno sa gilid ng Roman Expressway sakop ng Abucay Bataan ngayong sabado ng umaga.

Sa Initial Report ni Bataan PNP PD Ssupt Benjie Silo Jr, byaheng San Fernando Pampanga Balanga City ang naturang Mini Bus na minamaneho ni Rommel Sayson na may plate number CXF 896 ang umanoy umiwas sa isang motorsiklo at bumangga sa isang puno.


Apat ang napaulat na naipit at isa ang Dead On Arrival sa ospital.

Agad na rumesponde ang Metro Bataan Devt. Authority o MBDA Rescue Medics at dinala ang mga sugatan sa Bataan General hospital habang inaalam pa ang identity ng mga biktima.
DZXL558

Facebook Comments