1 patay, 65 dinala sa ospital dahil sa tumagas na ammonia sa isang ice plant at storage facility sa Navotas

153

Isa ang patay habang mahigit 60 ang ginagamot sa pagamutan matapos makalanghap sa tumagas na ammonia sa isang ice plant at storage facility sa North Bay Boulevard.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), abot na sa 22 katao ang isinugod sa Tondo Medical Center habang 43 naman sa Navotas Hospital.


Sarado na ang valve ng pasilidad na nag-leak at humuhupa na ang amoy ng ammonia.

Nagpahanda na ng food packs sa City Social Welfare and Development Office para sa mga apektadong residente.

Nananatili naman ang first aid station sa area para sa mga nangangailangan ng tulong medikal

Facebook Comments