1-patay sa banggaan ng Motorsiklo at Innova sa Gensan

59

General Santos City—Isa na naman ang binawian ng buhay dahil sa nangyaring Vehicular accident sa National Highway nga Barangay Baluan, Gensan alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Mareno Alicaway, residenti ng barangay Baliton, Glan, Sarangani Province.

Sa initial investigation ng Traffic Management Unit (TMU) napag-alaman na galing ng Glan, Sarangani ang biktimang si Alicaway at papunta sana ng Gensan pero pagdaling ng Barangay Baluan bigla itong binangga ng isang Innova na minamaniho ng isang Robert Lumayag, isang government Employee.

Dahil sa malakas na impact, tumilapon ang biktima at tumama sa matigas na bagay na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Habang ang Innova naman ay bumangga sa dalawang poste ng kuryente na naging dahilan ng pagkawasak ng harapan ng nasabing sasakyan.

Sugatan naman ang Driver ng Innova na agad dinala sa St. Elizabeth Hospital dito sa Gensan. Sa ngayon nakatakda nang sasampahan ng kaso ng TMU Gensan ang driver ng Innova.
(Photo Credit ot the owner)

Facebook Comments