1 sa 3 PDLs sa Bilibid na nagtangkang tumakas, napatay

1793

Patay ang isa sa tatlong Persons Deprived of Liberty (PDLs) na tumakas kanina sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang presong si Pacifico Villaruz, 49, ay napatay sa joint operation ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng Philippine National Police (PNP).

Si Villaruz ay convicted sa kasong frustrated homicide.


Ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, nagsasagawa ng clearing operations ang NBP reservation nang may nakita ang mga ito na tumatakbo sa creek ng MCX Highway hanggang sa makorner ito ng mga otoridad.

Aniya, unang nagpaputok ang mga bilanggo kaya sila ay ginantihan ng mga otoridad.

Ang dalawa pang suspek ay sina Arwin Bio at Drakilou Yosores.



Ilan ding tauhan ng BuCor ang nasugatan sa engkuwentro.

Facebook Comments