10 COVID-19 Positive sa Lungsod ng Cauayan, Nakarekober na

156

Cauayan City, Isabela- Gumaling na sa COVID-19 ang sampung (10) naitalang nagpositibo sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa ulat ng City Health Office ng Cauayan ngayong araw, October 4, 2020, sampu (10) sa mga COVID-19 patients ang idineklarang ‘Fully Recovered’.

Ang mga gumaling sina CV994, CV1073, CV1088, CV1089, CV1090, CV1091, CV1156, CV1167, CV1160, at CV1161.

Ito’y matapos magnegatibo sa COVID-19 ang kanilang ikalawang swab tests at sila ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng nasabing sakit.

Natapos na rin ng mga ito ang kanilang mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan, mayroon pang pito (7) na aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.

Facebook Comments