10 drug personalities, arestado sa Caloocan, Pasig at Marikina

15

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang sampung drug personalities sa magkakaibang drug operation sa Caloocan, Pasig at Marikina City.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), unang naaresto sina Avelino Gajonera Jr., at Arnel Cielo sa Caloocan at nakuha sa kanila ang 26 gramo ng shabu na may Dangerous Drugs Board value na ₱176,800.


Sa Pasig City naman nahuli ang apat na drug suspek na kinilalang sina Carl Jay Buenaventura, Rose Corpuz, Racquel Vasquez at Thomas Christian Jimenez.

Narekober sa kanila ang 137 gramo ng shabu na may halagang ₱931,600.

Sa Marikina City naman, apat na drug suspek din ang naaresto na sina Angelito Borie, Ednel Noche, Mhorel Cruz at Angelica Legaspi.

Nakuha sa kanila ang 12 gramo ng shabu na may halagang ₱81, 600.



Sa ngayon, nahaharap na ang sampung drug suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.


Facebook Comments