10 indibidwal, arestado dahil sa tupada o ilegal na sabong sa Makati City

87

Hinuli ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang 10 indibidwal sa Barangay Rizal, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), kinilala ang mga naaresto na sina Jayson De Regla, Danilo Baronia, Abegail Chavez, Ernesto Orig Jr., Aries Tenepere, Narciso Gonzales, Guillermo Ramos, Bernie Pernitez, Joel Buenaflor at Noel Pascua.


Sila ay naaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng tupada sa Blk. 133, Lot 12, Jacinto St., Brgy. Rizal, Makati City.

Nakuha sa mga naaresto ang dalawang buhay na panabong na manok, isang patay na panabong na manok, P11,000.00 na bet money o taya.

Sa ngayon, nahaharap na sila sa kasong paglabag sa Illegal Gambling City Ordinance at Article 151 ng Revised Penal Code o Disobedience to an Agent Persons in Authority.

Hindi rin naka face mask at face shield ang mga naaresto at walang social distancing nang mahuli ng mga pulis na nagsusugal.




Facebook Comments