10 kalalakihan, arestado matapos maharang ang kanilang tatlong sasakyang may mga kargang iligal na droga sa Infanta, Quezon

Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) Quezon at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sampung kalalakihang lulan ng tatlong sasakyan na puno ng laman ng iligal na droga.

Batay sa ulat ng Infanta Municipal Police Station, naaresto ang mga suspek matapos maharang ng mga awtoridad sa national highway ng Brgy. Comon, Infanta, Quezon kaninang alas-4:00 ng umaga.

Narekober sa tatlong sasakyan ng 10 naaresto ang hindi pa matukoy na dami ng iligal na droga.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang inventory ng droga sa lugar.

Facebook Comments