Friday, March 6, 2026

10 kasunduan, nilagdaan ng Pilipinas at South Korea

Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae Myung ang paglagda sa 10 kasunduan ng Pilipinas at Republic of Korea.

Saklaw ng mga kasunduan ang depensa at pagbili ng kagamitang militar, suporta sa mga war veterans, agrikultura, kalakalan, pamumuhunan at mas pinalakas na ugnayang pang-ekonomiya.

Kasama rin ang kooperasyon sa teknolohiya, digitalization at innovation, pati sa intellectual property o karapatan sa mga imbensyon at likha.

May kasunduan din sa pagtuturo ng wikang Korean sa mga paaralan sa Pilipinas, pagpapalakas ng ugnayang pangkultura, at pagtutulungan ng pulisya ng dalawang bansa.

Ayon sa pangulo, magpapatibay pa ang mga napagkasunduan sa matagal nang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Pilipinas at South Korea sa mga susunod na taon

Facebook Comments