10 Katao, Huli sa aktong Iligal na Pagmimina

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 10 katao matapos ang maaktuhang iligal na nagmimina pasado alas-tres kaninang madaling araw sa Barangay D’Leano, Claveria, Cagayan.

Ang mga suspek ay nakilala sa mga alyas Ed, 36-anyos, may-asawa, welder; Reynaldo, 35-anyos, walang asawa; Poldo, 30-anyos, may-asawa,driver; Jojo, 29-anyos, my-asawa, welder; Astong, 43-anyos, may-asawa, welder; Noli, 35-anyos, may-asawa, welder; Rejie, 38-anyos, may-asawa, welder at kapwa mga residente ng Culao, Claveria, Cagayan,

Habang sina Esson, binata; Kit-kit, 26-anyos, binata ay mula naman sa Manag, Conner, Apayao; at Renz, 54-anyos, may-asawa, isang magsasaka mula sa Pata West, Claveria, Cagayan.


Narekober sa mga suspek ang ilang kagamitan gaya ng 1 set water pump, 2 pieces steel mallet, 1 unit hand held radio, 2 pieces blasting cap (ordinary), 1 piece of five-feet time fuse (ordinary),humigit kumulang fifty grams ng Ammonium fuel oil (ANFO), 1 liter gasoline, at 4 pieces steel chisel.

Resulta ito ng matagumpay na operasyon ng Claveria PS, Western Cagayan MARPSTA-Maritime Group at EOD K9 Unit.

Inihahanda naman ang kaukulang kasong isasampa laban sa mga nahuling suspek.

Facebook Comments