10 katao patay, 2 nawawala sa mudslide sa Tajikistan

55

Aabot sa 10 katao ang nasawi habang dalawa ang nawawala matapos rumagasa ng putik sa Tajikistan.

Ayon sa mga otoridad, bunsod ito ng malakas na ulan sa hilagang bahagi ng Tajikistan kung saan naitala ang mudslide.


Walong katao ang natagpuan habang dalawang babae naman ang nailigtas mula sa pinangyarihan ng trahedya.

Matatandaang una nang umabot sa 14 na indibidwal ang nasawi dahil rin sa mudslide sa border regions ng Uzbekistan at Kyrgyzstan.

Facebook Comments