10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 70 milyong piso, nakumpiska ng PNP sa walong suspek sa Bulacan

Arestado ang walong (8) suspek matapos na makuhaan ng 10 kilo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Unit at Meycauayan Police sa Meycauayan City, Bulacan kaninang umaga.

Sa ulat ng Bulacan PNP, ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina: Sandy Domingo, 41-anyos; Nida Barrientos, 54-anyos; Rhodora Jose, 43-anyos; Christian Villaflores, 39-anyos; Milky Joy Principe, 33-anyos; Kevin Limbo, 27-anyos; Bernard Flores, 46-anyos at Clifford Bello, 35-anyos.

Sa ulat ng PNP, unang naaresto sa Centro 2, Brgy. Pantoc, Meycauayan City, Bulacan sa isinagawang operasyon sina Domingo at dalawang babaeng suspek kung saan nakuha ang 100 gramo ng shabu at isinumbong ang iba pa niyang kasamahan.


Sa follow-up operation sa Pandayan Road, Brgy. Pandayan, Meycauayan City, naaresto naman ang ibang suspek at nakuha ang iba pang kilo-kilo ng shabu.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, 26, Article ll ng Republic Act 9165 o ang Anti-Illegal Drugs Law.

Facebook Comments