10 miyembro ng PDP-Laban, kasama sa narco-list

481

Manila, Philippines – Aabot sa 10 miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ang kasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PDP-Laban Spokesperson Ronwald Munsayac – nagsasagawa na sila ng validation hinggil dito.

Aniya, walong miyembro nila na nasa narco-list ang tumatakbo habang ang dalawang incumbent mayors ay hindi tatakbo ngayong eleksyon.

Tiniyak ng PDP-Laban na gumagawa na sila ng kaukulang hakbang para rito.

Una nang sinabi ni PDP-Laban President, Senator Koko Pimentel III na tatanggalin nila sa kanilang partido ang mga miyembro kabilang sa narco-list na hindi makakapagbigay ng maayos na katwiran.

Facebook Comments